Exodo 33:11
At nakikipagsalitaan ang Panginoon kay Moises ng mukhaan, gaya ng isang taong nakikipagsalitaan sa kaniyang kaibigan. At siya'y bumabalik uli sa kampamento, datapuwa't ang kaniyang tagapangasiwang si Josue, na anak ni Nun, na may kabataan pa, ay hindi umaalis sa Tolda.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 17:9At sinabi ni Moises kay Josue, Ipili mo tayo ng mga lalake, at ikaw ay lumabas, lumaban ka kay Amalec; bukas ay tatayo ako sa taluktok ng burol, na aking tangan ang tungkod ng Dios sa aking kamay.
Exodus 32:17At ng marinig ni Josue ang ingay ng bayan na humihiyaw, ay sinabi kay Moises, May ingay ng pagbabaka sa kampamento.
Numbers 12:7Ang aking lingkod na si Moises ay hindi gayon; siya'y tapat sa aking buong buhay:
Deuteronomy 5:4Sinalita ng Panginoon sa inyo ng mukhaan sa bundok mula sa gitna ng apoy
Deuteronomy 34:10At wala pang bumangong propeta sa Israel na gaya ni Moises, na kilala ng Panginoon sa mukhaan,
Job 16:21Upang kaniyang alalayan ang katuwiran ng tao sa Dios; at ang anak ng tao sa kaniyang kapuwa.