Exodo 34:24
Sapagka't aking palalayasin ang mga bansa sa harap mo, at aking palalaparin ang iyong mga hangganan: at hindi pagnanasaan ng sinoman ang iyong lupain, pagka ikaw ay pumapanhik na humarap sa Panginoong iyong Dios, na makaitlo sa isang taon.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 15:18Nang araw na yaon, ang Panginoon ay nakipagtipan kay Abram, na nagsabi, Sa iyong binhi ibinigay ko ang lupaing ito, mula sa ilog ng Egipto hanggang sa malaking ilog, na ilog Eufrates.
Exodus 23:27Aking susuguin ang sindak sa unahan mo, at aking liligaligin ang buong bayan na iyong paroroonan, at aking patatalikurin sa iyo ang lahat ng iyong mga kaaway.
Exodus 33:2At aking susuguin ang isang anghel sa unahan mo: at aking palalayasin ang Cananeo, ang Amorrheo, at ang Hetheo, at ang Pherezeo, ang Heveo, at ang Jebuseo:
Leviticus 18:24Huwag kayong magpakarumi sa alin man sa mga bagay na ito; sapagka't lahat ng ito ay nangadumhan ang mga bansang aking palayasin sa harap ninyo:
Deuteronomy 12:20Pagka palalakihin ng Panginoon mong Dios ang iyong hangganan, gaya ng kaniyang ipinangako sa iyo, at iyong sasabihin, Ako'y kakain ng karne, sapagka't nasa mong kumain ng karne; ay makakakain ka ng karne, ayon sa buong nasa mo.
1 Kings 5:1At si Hiram na hari sa Tiro ay nagsugo ng kaniyang mga lingkod kay Salomon; dahil sa kaniyang nabalitaan na siya'y kanilang pinahiran ng langis na maging hari na kahalili ng kaniyang ama, sapagka't si Hiram ay naging laging maibigin kay David.