Exodo 35:22
At sila'y naparoon, mga lalake at mga babae, yaong lahat na nagkaroon ng kusang loob, at nagdala ng mga espile, at ng mga hikaw, at ng mga singsing na panatak, at ng mga pulsera, ng madlang hiyas na ginto; sa makatuwid baga'y lahat na naghandog ng handog na ginto sa Panginoon.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
Numbers 31:50At aming dinala na pinakaalay sa Panginoon, ang nakuha ng bawa't lalake, na mga hiyas na ginto, mga tanikala sa bukongbukong, at mga pulsera, mga singsing na pinaka tanda, mga hikaw, at mga kuwintas sa leeg upang itubos sa aming mga kaluluwa sa harap ng Panginoon.
2 Chronicles 24:9At sila'y nangagtanyag sa Juda at sa Jerusalem, na dalhin sa Panginoon ang buwis na iniatang ni Moises na lingkod ng Dios sa Israel sa ilang.
Nehemiah 7:70At ang mga iba sa mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang ay nangagbigay sa gawain. Ang tagapamahala ay nagbigay sa ingatang-yaman ng isang libong darikong ginto, limangpung mangkok, limang daan at tatlong pung bihisan ng mga saserdote.
Isaiah 60:9Tunay na ang mga pulo ay mangaghihintay sa akin, at ang mga sasakyang dagat ng Tarsis ay siyang mangunguna, upang dalhin ang iyong mga anak mula sa malayo, ang kanilang pilak at kanilang ginto na kasama nila, dahil sa pangalan ng Panginoon mong Dios, at dahil sa Banal ng Israel, sapagka't kaniyang niluwalhati ka.
Ezekiel 16:11Ginayakan din naman kita ng hiyas, at nilagyan ko ng mga pulsera ang iyong mga kamay, at ng isang kuwintas ang iyong leeg.
Mark 12:41At umupo siya sa tapat ng kabang-yaman, at minasdan kung paanong inihuhulog ng karamihan ang salapi sa kabang-yaman: at maraming mayayaman ang nangaghuhulog ng marami.