Ezekiel 13:12
Narito, pagka ang kuta ay nabagsak, hindi baga sasabihin sa inyo: Saan nandoon ang tapal na inyong itinapal?
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
Judges 9:38Nang magkagayo'y sinabi ni Zebul sa kaniya, Saan nandoon ngayon ang iyong bibig, na iyong ipinagsabi, Sino si Abimelech upang tayo'y maglingkod sa kaniya? hindi ba ito ang bayan na iyong niwalan ng kabuluhan? lumabas ka ngayon at lumaban sa kanila.
2 Kings 3:13At sinabi ni Eliseo sa hari sa Israel, Anong ipakikialam ko sa iyo? pumaroon ka sa mga propeta ng iyong ama, at sa mga propeta ng iyong ina. At sinabi ng hari sa Israel sa kaniya, Hindi; sapagka't tinawag ng Panginoon ang tatlong haring ito na magkakasama upang ibigay sila sa kamay ng Moab.
Jeremiah 29:31Ikaw ay magsugo sa kanilang lahat na nasa pagkabihag, na iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoon tungkol kay Semaias na Nehelamita. Yamang nanghula si Semaias sa inyo, at hindi ko sinugo siya, at kaniyang pinatiwala kayo sa kasinungalingan.
Lamentations 2:14Ang iyong mga propeta ay nakakita para sa iyo ng mga pangitain na walang kabuluhan at kamangmangan; at hindi nila inilitaw ang iyong kasamaan, upang bawiin ang iyong pagkabihag, kundi nakarinig para sa iyo ng mga hulang walang kabuluhan at mga kadahilanan ng pagkatapon.