Ezekiel 30:13
Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Akin din namang sisirain ang mga diosdiosan, at aking paglilikatin ang mga larawan sa Memphis; at hindi na magkakaroon pa ng prinsipe sa lupain ng Egipto; at ako'y maglalagay ng katakutan sa lupain ng Egipto.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
Isaiah 19:1Ang hula tungkol sa Egipto. Narito, ang Panginoon ay nakasakay sa isang matuling alapaap, at napasasa Egipto: at ang mga diosdiosan ng Egipto ay makikilos sa kaniyang harapan, at ang puso ng Egipto ay manglulumo sa gitna niyaon.
Jeremiah 10:11Ganito ang inyong sasabihin sa kanila, Ang mga dios na hindi gumawa ng langit at ng lupa, ang mga ito ang mangalilipol sa lupa, at sa silong ng langit.
Jeremiah 43:13Kaniya ring babaliin ang mga haligi ng Beth-semes na nasa lupain ng Egipto; at ang mga bahay ng mga dios ng Egipto ay susunugin ng apoy.
Jeremiah 46:14Ipahayag ninyo sa Egipto, at inyong ihayag sa Migdol, at inyong ihayag sa Memphis, at sa Taphnes: sabihin ninyo, Tumayo ka, at humanda ka; sapagka't ang tabak ay nanakmal sa palibot mo.
Jeremiah 46:25Sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Narito, aking parurusahan si Amon na taga No, at si Faraon, at ang Egipto, sangpu ng kaniyang mga dios at ng kaniyang mga hari; maging si Faraon, at silang nagsisitiwala sa kaniya:
Hosea 9:6Sapagka't, narito, sila'y nagsialis sa kagibaan, gayon ma'y pipisanin sila ng Egipto, sila'y ililibing ng Memphis; ang kanilang maligayang mga bagay na pilak ay aariin ng dawag; mga tinik ang sasa kanilang mga tolda.