Ezekiel 39:17
At ikaw, anak ng tao, ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Salitain mo sa sarisaring ibon, at sa lahat na hayop sa parang, Magpupulong kayo, at kayo'y magsiparito; magpipisan kayo sa lahat ng dako sa aking hain na aking inihahain sa inyo, sa malaking hain sa ibabaw ng mga bundok ng Israel, upang kayo'y mangakakain ng laman at mangakainom ng dugo.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
16At Hamonah ang magiging pangalan ng bayan. Ganito nila lilinisin ang lupain.
Cross References
Genesis 31:54At naghandog si Jacob ng hain sa bundok, at tinawag ang kaniyang mga kapatid upang magsikain ng tinapay: at sila'y nagsikain ng tinapay, at sila'y nagparaan ng buong gabi sa bundok.
1 Samuel 16:3At tawagin mo si Isai sa paghahain at aking ituturo sa iyo kung ano ang iyong gagawin; at iyong papahiran sa akin yaong sa iyo'y aking sabihin.
Isaiah 18:6Ang mga yaon ay pawang mangaiiwan sa mga ibong mangdadagit sa mga bundok, at sa mga hayop sa lupa: at pagtataginitan ang mga yaon ng mga ibong mangdadagit, at pagtataginawan ang mga yaon ng lahat na hayop sa lupa.
Isaiah 34:6Ang tabak ng Panginoon ay napuno ng dugo, tumaba ng katabaan, sa dugo ng mga kordero at ng mga kambing, sa taba ng mga bato ng mga lalaking tupa: sapagka't may hain sa Panginoon sa Bosra, at may malaking patayan sa lupain ng Edom.
Jeremiah 12:9Ang akin bagang mana sa akin ay naging parang mangdadagit na ibong batikbatik? ang mga mangdadagit na ibon baga ay laban sa kaniya sa palibot? kayo'y magsiyaon, inyong pagpulungin ang lahat na hayop sa parang, inyong dalhin sila rito upang magsipanakmal.
Ezekiel 29:5At ikaw ay aking iiwan tapon sa ilang, ikaw at ang lahat na isda ng iyong mga ilog: ikaw ay mabubuwal sa luwal na parang; ikaw ay hindi pipisanin, o pupulutin man; aking ibinigay kang pagkain sa mga hayop sa lupa, at sa mga ibon sa himpapawid.