The Bible Software
bible.software › Ezra › Ezra 10 › Ezra 10:18

Ezra 10:18

At sa mga anak ng mga saserdote ay nangasumpungan na nangagasawa sa mga babaing tagaibang bayan; sa mga anak ni Jesua, na anak ni Josadec, at sa kaniyang mga kapatid, si Maasias, at si Elieser, at si Jarib, at si Gedalias.

Philippine Bible Society (1905)

In The King James Version

And among the sons of the priests there were found that had taken strange wives: namely, of the sons of Jeshua the son of Jozadak, and his brethren; Maaseiah, and Eliezer, and Jarib, and Gedaliah.

In Context

17At kanilang tinapos ang tungkol sa lahat na lalake na nangagasawa sa mga babaing tagaibang bayan nang unang araw ng unang buwan.

19At sila'y nangakipagkamay na kanilang ihihiwalay ang kanilang mga asawa; at yamang mga salarin, sila'y nangaghandog ng isang lalaking tupa sa kawan dahil sa kanilang sala.

Read all of Ezra 10

Cross References

Leviticus 21:7Huwag silang makikisama sa patutot o lapastangan, ni makikisama sa babaing inihiwalay ng kaniyang asawa: sapagka't ang saserdote ay banal sa kaniyang Dios.

1 Samuel 2:22Si Eli nga ay totoong matanda na; at kaniyang nababalitaan ang lahat ng ginagawa ng kaniyang mga anak sa buong Israel, at kung paanong sila'y sumisiping sa mga babae na naglilingkod sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan.

Ezra 2:2Na nagsidating na kasama ni Zorobabel, si Jesua, si Nehemias, si Seraias, si Reelias, si Mardocheo, si Bilsan, si Mispar, si Bigvai, si Rehum, si Baana. Ang bilang ng mga lalake ng bayan ng Israel ay ito:

Ezra 3:2Nang magkagayo'y tumayo si Jesua na anak ni Josadec, at ang kaniyang mga kapatid na mga saserdote, at si Zorobabel na anak ni Sealthiel, at ang kaniyang mga kapatid, at itinayo ang dambana ng Dios ng Israel, upang paghandugan ng mga handog na susunugin, gaya ng nasusulat sa kautusan ni Moises, na lalake ng Dios.

Ezra 5:2Nang magkagayo'y bumangon si Zorobabel na anak ni Sealthiel, at si Jesua na anak ni Josadach, at pinasimulang itinayo ang bahay ng Dios na nasa Jerusalem; at kasama nila ang mga propeta ng Dios, na nagsisitulong sa kanila.

Nehemiah 8:4At si Ezra na kalihim ay tumayo sa pulpitong kahoy, na kanilang ginawa sa panukalang ito; at sa tabi niya ay nakatayo si Mathithias, at si Sema, at si Anaias, at si Urias, at si Hilcias, at si Maasias, sa kaniyang kanan; at sa kaniyang kaliwa, si Pedaias, at si Misael, at si Malchias, at si Hasum, at si Hasbedana, si Zacharias, at si Mesullam.

This Verse In Other Editions

King James VersionBíblia Portuguesa MundialLuther Bibel (Deutsch)Bible Louis Segond (Français)Библия (Русский)新标点和合本성경 (한국어)الكتاب المقدس باللغة العربية، فان دايكBibbia Diodati (Italiano)Kinh Thánh (Tiếng Việt)Biblia Cornilescu (Română)Polish Biblia Gdanska (1881)Statenvertaling (Nederlands)

Study Ezra 10:18

Matthew HenryJamieson-Fausset-BrownAdam ClarkeJohn WesleyJohn CalvinKeil and DelitzschScofieldFamily Bible NotesGeneva Bible Notes (1599)
← Ezra 10:17Ezra 10Ezra 10:19 →