Ezra 9:13
At pagkatapos ng lahat na dumating sa amin dahil sa aming masamang mga gawa, at dahil sa aming malaking sala, sa paraang ikaw na aming Dios ay nagparusa sa amin, ng kulang kay sa marapat sa aming mga kasamaan, at binigyan mo kami ng ganitong nalabi.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
Nehemiah 9:32Ngayon nga, aming Dios, na dakila, na makapangyarihan at kakilakilabot na Dios, na nagiingat ng tipan at kaawaan, huwag mong ariing munting bagay sa harap mo ang hirap na dumating sa amin, sa aming mga hari, sa aming mga prinsipe, at sa aming mga saserdote, at sa aming mga propeta, at sa aming mga magulang, at sa iyong buong bayan, mula sa kapanahunan ng mga hari sa Asiria hanggang sa araw na ito.
Psalms 103:10Siya'y hindi gumawa sa atin ng ayon sa ating mga kasalanan, ni gumanti man sa atin ng ayon sa ating mga kasamaan.
Lamentations 3:22Sa mga kaawaan nga ng Panginoon ay hindi tayo nalipol, sapagka't ang kaniyang mga habag ay hindi nauubos.
Ezekiel 24:13Nasa iyong karumihan ang kahalayan: sapagka't ikaw ay aking nilinis at hindi ka nalinis, hindi ka na malilinis pa sa iyong karumihan, hanggang sa aking malubos ang aking kapusukan sa iyo.
Galatians 3:4Tiniis baga ninyong walang kabuluhan ang lubhang maraming mga bagay? kung tunay na walang kabuluhan.