Genesis 14:14
At pagkarinig ni Abram, na nabihag ang kaniyang kapatid ay ipinagsama ang kaniyang mga subok na lalake, na mga ipinanganak sa kaniyang bahay, na tatlong daan at labing walo, at kanilang hinabol sila hanggang sa Dan.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 11:27Ito nga ang mga lahi ni Thare. Naging anak ni Thare si Abram, si Nachor, at si Haran; at naging anak ni Haran si Lot.
Genesis 12:16At pinagpakitaan nito ng magandang loob si Abram dahil sa kaniya: at nagkaroon si Abram ng mga tupa, at ng mga baka, at ng mga asno, at ng mga aliping lalake at mga alilang babae, at ng mga asna, at ng mga kamelyo,
Genesis 15:3At sinabi ni Abram, Narito, hindi mo ako binigyan ng anak at, narito't isang ipinanganak sa aking bahay ang siyang tagapagmana ko.
Genesis 17:27At lahat ng lalaking kasangbahay niya, maging ang mga ipinanganak sa bahay, at ang mga binili ng salapi sa taga ibang lupain, ay pinagtuling kasama niya.
Genesis 23:6Dinggin mo kami, panginoon ko: ikaw ay prinsipe ng Dios sa gitna namin: sa pinakahirang sa aming mga libingan ay ilibing mo ang iyong patay; wala sa amin na magkakait sa iyo ng kaniyang libingan, upang paglibingan ng iyong patay.
Judges 18:29At kanilang tinawag na Dan ang pangalan ng bayan, ayon sa pangalan ni Dan na kanilang ama na ipinanganak sa Israel: gayon ma'y ang pangalan ng bayan nang una ay Lais.