Genesis 24:52
At nangyari, na pagkarinig ng alilang katiwala ni Abraham ng kaniyang mga salita, ay nagpatirapa sa lupa sa harap ng Panginoon.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 24:26At lumuhod ang lalake at sumamba sa Panginoon.
1 Chronicles 29:20At sinabi ni David sa buong kapisanan, Ngayo'y purihin ninyo ang Panginoon ninyong Dios. At ang buong kapisanan ay pumuri sa Panginoon, sa Dios ng kanilang mga magulang, at iniyukod ang kanilang mga ulo, at sumamba sa Panginoon, at sa hari.
Psalms 34:1Aking pupurihin ang Panginoon sa buong panahon: ang pagpuri sa kaniya ay laging sasa aking bibig.
Psalms 107:21Oh purihin ng mga tao ang Panginoon dahil sa kaniyang kagandahang-loob, at dahil sa kaniyang kagilagilalas na mga gawa sa mga anak ng mga tao!
Matthew 2:11At nagsipasok sila sa bahay, at nangakita nila ang sanggol na kasama ng kaniyang inang si Maria; at nangagpatirapa sila at nangagsisamba sa kaniya; at pagkabukas nila ng kanilang mga kayamanan ay inihandog nila sa kaniya ang mga alay, na ginto at kamangyan at mira.