Genesis 24:63
At lumabas si Isaac sa parang upang magmunimuni ng dakong hapon: at kaniyang itiningin ang kaniyang mga mata, at kaniyang nakita, at, narito, may dumarating na mga kamelyo.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
62At si Isaac ay nanggaling sa daang Beer-lahai-roi; sapagka't siya'y natira sa lupaing Timugan.
64Itiningin naman ni Rebeca ang kaniyang mga mata at nang makita niya si Isaac, ay bumaba sa kamelyo.
Cross References
Psalms 1:2Kundi ang kaniyang kasayahan ay nasa kautusan ng Panginoon; at sa kautusan niya nagbubulaybulay siya araw at gabi.
Psalms 104:34Matamisin nawa niya ang aking pagbubulay: ako'y magagalak sa Panginoon.
Psalms 119:27Ipaunawa mo sa akin ang daan ng iyong mga tuntunin: sa gayo'y aking bubulayin ang iyong kagilagilalas na mga gawa.
Psalms 139:17Pagka mahalaga rin ng iyong mga pagiisip sa akin, Oh Dios! Pagka dakila ng kabuoan nila!
Psalms 145:5Sa maluwalhating kamahalan ng iyong karangalan, at sa iyong mga kagilagilalas na mga gawa, magbubulay ako.