Genesis 30:43
At ang lalake ay lumagong mainam; at nagkaroon ng malalaking kawan, at ng mga aliping babae at lalake, at ng mga kamelyo at ng mga asno.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 13:2At si Abram ay totoong mayaman sa hayop, sa pilak, at sa ginto.
Genesis 26:13At naging dakila ang lalake at lalo't lalong naging dakila hanggang sa naging totoong dakila.
Genesis 30:30Sapagka't kakaunti ang tinatangkilik mo bago ako dumating, at naging isang karamihan; at pinagpala ka ng Panginoon saan man ako pumihit; at ngayo'y kailan naman ako maghahanda ng sa aking sariling bahay?
Genesis 31:42Kung hindi sumaakin ang Dios ng aking ama, ang Dios ni Abraham, at ang Katakutan ni Isaac, ay walang pagsalang palalayasin mo ako ngayong walang dala. Nakita ng Dios ang aking kapighatian, ang kapaguran ng aking mga kamay, at sinaway ka niya kagabi.
Genesis 32:14Dalawang daang kambing na babae, at dalawang pung lalaking kambing; dalawang daang tupang babae, at dalawang pung tupang lalake,
Genesis 36:7Sapagka't ang kanilang pag-aari ay totoong napakalaki para sa kanila na tumahang magkasama at ang lupain na kanilang pinaglakbayan ay hindi makaya sila, sapagka't napakarami ang kanilang hayop.