Genesis 31:10
At nangyari, na sa panahong ang kawan ay naglilihi, ay itiningin ko ang aking mga mata, at nakita ko sa panaginip, at narito, ang mga kambing na lalake na nakatakip sa kawan ay mga may guhit, may batik at may dungis.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
9Ganito inalis ng Dios ang mga hayop ng inyong ama, at ibinigay sa akin.
11At sinabi sa akin ng anghel ng Dios, sa panaginip, Jacob: at sinabi ko, Narito ako.
Cross References
Genesis 20:6At sinabi sa kaniya ng Dios sa panaginip: Oo, talastas ko, na sa katapatang loob ng iyong puso ay ginawa mo ito, at hinadlangan din naman kita sa pagkakasala ng laban sa akin: kaya't hindi ko ipinahintulot sa iyong galawin mo siya.
Genesis 30:39At nangaglilihi ang mga kawan sa harap ng mga sanga at nanganganak ang mga kawan ng mga may guhit, may batik at may dungis.
Numbers 12:6At kaniyang sinabi, Dinggin ninyo ngayon ang aking mga salita: kung mayroon sa gitna ninyo na isang propeta, akong Panginoon ay pakikilala sa kaniya sa pangitain, na kakausapin ko siya sa panaginip.
1 Kings 3:5Sa Gabaon ay napakita ang Panginoon kay Salomon sa panaginip sa gabi: at sinabi ng Dios, Hingin mo kung ano ang ibibigay ko sa iyo.