Genesis 32:7
Nang magkagayo'y natakot na mainam si Jacob at nahapis at kaniyang binahagi ang bayang kasama niya, at ang mga kawan, at ang mga bakahan, at ang mga kamelyo ng dalawang pulutong.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 33:1At itiningin ni Jacob ang kaniyang mga mata at tumingin, at, narito, si Esau ay dumarating, at kasama niya'y apat na raang tao. At kaniyang binahagi ang mga bata kay Lea at kay Raquel, at sa dalawang alilang babae.
Exodus 14:10At nang si Faraon ay nalalapit, ay itiningin ng mga anak ni Israel ang kanilang mga mata, at, narito, ang mga Egipcio ay sumusunod sa kanila; at sila'y natakot na mainam: at ang mga anak ni Israel ay humibik sa Panginoon.
Psalms 31:13Sapagka't aking narinig ang paninirang puri ng marami, kakilabutan sa bawa't dako. Samantalang sila'y nagsasangguniang magkakasama laban sa akin, kanilang pinagsisikapang alisin ang aking buhay.
Psalms 61:2Mula sa wakas ng lupa ay tatawag ako sa iyo, pagka nanglupaypay ang aking puso: patnubayan mo ako sa malaking bato na lalong mataas kay sa akin.
Psalms 112:5Ang ikabubuti ng taong mapagbiyaya at nagpapahiram, kaniyang aalalayan ang kaniyang usap sa kahatulan.
Proverbs 2:11Kabaitan ay magbabantay sa iyo, pagkaunawa ay magiingat sa iyo: