Genesis 34:30
At sinabi ni Jacob kay Simeon at kay Levi, Ako'y inyong binagabag, na pinapaging mapagtanim ninyo ako sa mga tumatahan sa lupain, sa mga Cananeo, at sa mga Pherezeo; at akong may kaunting tao, ay magpipisan sila laban sa akin, at ako'y sasaktan nila; at lilipulin ako at ang aking sangbahayan.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
31At kanilang sinabi, Aariin ba niya ang aming kapatid na parang isang patutot?
Cross References
Genesis 12:2At gagawin kitang isang malaking bansa, at ikaw ay aking pagpapalain, at padadakilain ko ang iyong pangalan; at ikaw ay maging isang kapalaran:
Genesis 12:12At mangyayari na pag makikita ka ng mga Egipcio, ay kanilang sasabihin, Ito'y kaniyang asawa; at ako'y kanilang papatayin, datapuwa't kanilang ililigtas kang buhay.
Genesis 28:13At, narito, ang Panginoon ay nasa kataastaasan niyaon, at nagsabi, Ako ang Panginoon, ang Dios ni Abraham na iyong ama, at ang Dios ni Isaac: ang lupang kinahihigaan mo ay ibibigay ko sa iyo at sa iyong binhi;
Genesis 49:5Si Simeon at si Levi ay magkapatid; Mga almas na marahas ang kanilang mga tabak.
Deuteronomy 4:17Na kahawig ng anomang hayop na nasa lupa, na kahawig ng anomang ibong may pakpak na lumilipad sa himpapawid,
Joshua 7:25At sinabi ni Josue, Bakit mo kami binagabag? babagabagin ka sa araw na ito ng Panginoon. At binato siya ng mga bato ng buong Israel; at sinunog nila sila sa apoy, at binato sila ng mga bato.