Genesis 5:22
At lumakad si Enoc na kasama ng Dios, pagkatapos na maipanganak si Matusalem na tatlong daang taon, at nagkaanak ng mga lalake at mga babae:
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
21At nabuhay si Enoc na anim na pu't limang taon, at naging anak si Matusalem:
23At ang lahat na naging araw ni Enoc ay tatlong daan at anim na pu't limang taon:
Cross References
Genesis 5:24At lumakad si Enoc na kasama ng Dios: at di siya nasumpungan, sapagka't kinuha ng Dios.
Genesis 17:1At nang si Abram ay may siyam na pu't siyam na taon, ay napakita ang Panginoon kay Abram, at sa kaniya'y nagsabi, Ako ang Dios na Makapangyarihan sa lahat lumakad ka sa harapan ko, at magpakasakdal ka.
Genesis 48:15At kaniyang binasbasan si Jose, at sinabi, Ang Dios na sa harap niya ay lumakad ang aking mga magulang na si Abraham at si Isaac, ang Dios na nagpakain sa akin sa buong buhay ko hanggang sa araw na ito,
Leviticus 26:12At lalakad ako sa gitna ninyo at ako'y magiging inyong Dios, at kayo'y magiging aking bayan.
Deuteronomy 13:4Kayo'y lalakad ayon sa Panginoon ninyong Dios, at matatakot sa kaniya, at gaganap ng kaniyang mga utos, at susunod sa kaniyang tinig at maglilingkod sa kaniya at lalakip sa kaniya.
1 Kings 2:4Upang papagtibayin ng Panginoon ang kaniyang salita na kaniyang sinalita tungkol sa akin, na sinasabi, Kung ang iyong mga anak ay magsisipagingat sa kanilang lakad, na lalakad sa harap ko sa katotohanan ng kanilang buong puso at ng kanilang buong kaluluwa, hindi ka kukulangin (sabi niya) ng lalake sa luklukan ng Israel.