Genesis 5:3
At nabuhay si Adam ng isang daan at tatlong pung taon, at nagkaanak ng isang lalaking kaniyang wangis na hawig sa kaniyang larawan; at tinawag ang kaniyang pangalan na Set:
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 4:25At nakilalang muli ni Adam ang kaniyang asawa; at nanganak ng isang lalake, at tinawag ang kaniyang pangalan na Set; sapagka't aniya'y binigyan ako ng Dios ng ibang anak na kahalili ni Abel; sapagka't siya'y pinatay ni Cain.
Job 15:14Ano ang tao upang maging malinis? At siyang ipinanganak ng babae, upang siya'y maging matuwid?
Psalms 14:2Tinutunghan ng Panginoon ang mga anak ng mga tao mula sa langit, upang tingnan, kung may sinomang nakakaunawa, na hinahanap ng Dios.
Luke 1:35At sumagot ang anghel, at sinabi sa kaniya, Bababa sa iyo ang Espiritu Santo, at lililiman ka ng kapangyarihan ng Kataastaasan: kaya naman ang banal na bagay na ipanganganak ay tatawaging Anak ng Dios.
Romans 5:12Kaya, kung paano na sa pamamagitan ng isang tao ay pumasok ang kasalanan sa sanglibutan, at ang kamataya'y sa pamamagitan ng kasalanan; at sa ganito'y ang kamatayan ay naranasan ng lahat ng mga tao, sapagka't ang lahat ay nangagkasala:
Ephesians 2:3Sa gitna ng mga yaon, tayo rin naman, ng ibang panahon ay nangabubuhay sa mga kahalayan ng ating laman, na ating ginagawa ang mga pita ng laman at ng pagiisip, at tayo noo'y katutubong mga anak ng kagalitan, gaya naman ng mga iba: