Genesis 50:10
At sila'y dumating sa giikan ni Atad, na nasa dako pa roon ng Jordan, at doo'y nanaghoy sila ng malakas at kapaitpait na panaghoy: at kaniyang pinanangisan ang kaniyang ama na pitong araw.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
9At umahong kasama niya ang mga karro at mga nangangabayo: at yao'y naging totoong malaking pulutong.
Cross References
Genesis 50:11At nang makita ng mga nananahan sa lupaing yaon, ng mga Cananeo, ang panaghoy sa giikan ni Atad, ay kanilang sinabi, Ito'y isang kahambalhambal na panaghoy ng mga Egipcio kaya't ang pangalang itinawag ay Abel-mizraim, nasa dako pa roon ng Jordan.
Deuteronomy 1:1Ito ang mga salita na sinalita ni Moises sa buong Israel sa dako roon ng Jordan sa ilang, sa Araba na katapat ng Suph, sa pagitan ng Paran, at ng Thopel, at ng Laban, at ng Haseroth, at ng Di-zahab.
1 Samuel 31:13At kanilang kinuha ang kanilang mga buto at ibinaon sa ilalim ng isang puno ng tamarisko sa Jabes, at nagayuno silang pitong araw.
1 Chronicles 10:12Ang lahat na matapang na lalake ay nagsitindig, at kinuha ang bangkay ni Saul, at ang mga bangkay ng kaniyang mga anak, at dinala sa Jabes, at inilibing ang kanilang mga buto sa ilalim ng ensina sa Jabes, at nangagayunong pitong araw.
Acts 8:2At inilibing si Esteban ng mga taong masipag sa kabanalan, at siya'y tinangisan ng di kawasa.