Genesis 8:21
At sinamyo ng Panginoon ang masarap na amoy; at nagsabi ang Panginoon sa sarili, Hindi ko na muling susumpain ang lupa, dahil sa tao, sapagka't ang haka ng puso ng tao ay masama mula sa kaniyang pagkabata; ni hindi ko na muling lilipulin pa ang lahat na nabubuhay na gaya ng aking ginawa.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 4:12Pagbubukid mo ng lupa, ay di na ibibigay mula ngayon sa iyo ang kaniyang lakas; ikaw ay magiging palaboy at hampas-lupa sa lupa.
Genesis 6:5At nakita ng Panginoon na mabigat ang kasamaan ng tao sa lupa, at ang buong haka ng mga pagiisip ng kaniyang puso ay pawang masama lamang na parati.
Genesis 9:11At aking pagtitibayin ang aking tipan sa inyo; ni hindi ko na lilipulin ang lahat ng laman sa pamamagitan ng tubig ng baha; ni hindi na magkakaroon pa ng bahang gigiba ng lupa.
Exodus 29:18At iyong susunugin ang buong tupa sa ibabaw ng dambana: handog na susunugin nga sa Panginoon; pinaka masarap na amoy na handog sa Panginoon, na pinaraan sa apoy.
Leviticus 1:9Datapuwa't ang mga lamang loob at ang mga paa, ay huhugasan niya ng tubig. At susunugin ng saserdote ang kabuoan sa ibabaw ng dambana na pinakahandog na susunugin, isang handog nga na pinaraan sa apoy na pinakamasarap na amoy sa Panginoon.
Leviticus 1:17At babaakin na hahawakan sa mga pakpak, datapuwa't hindi pakakahatiin. At susunugin ng saserdote sa ibabaw ng dambana, sa ibabaw ng kahoy na nasa apoy: isa ngang handog na susunugin, na isang handog na pinaraan sa apoy na pinakamasarap na amoy sa Panginoon.