Hosea 12:11
Ang Galaad baga'y kasamaan? sila'y pawang walang kabuluhan; sa Gilgal ay nangaghahain sila ng mga toro; oo, ang kanilang dambana ay parang mga bunton sa mga bungkal ng bukid.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
1 Kings 17:1At si Elias na Thisbita, na sa mga nakikipamayan sa Galaad, ay nagsabi kay Achab: Buhay ang Panginoon, ang Dios ng Israel, na ako'y nakatayo sa harap niya hindi magkakaroon ng hamog o ulan man sa mga taong ito, kundi ayon sa aking salita.
2 Kings 17:13Gayon ma'y tumutol ang Panginoon sa Israel, at sa Juda, sa pamamagitan ng bawa't propeta, at ng bawa't tagakita, na sinasabi, Iwan ninyo ang inyong masasamang lakad, at ingatan ninyo ang aking mga utos, at ang aking mga palatuntunan, ayon sa buong kautusan na aking iniutos sa inyong mga magulang, at aking ipinadala sa inyo, sa pamamagitan ng aking mga lingkod na mga propeta.
Jeremiah 2:28Nguni't saan nandoon ang iyong mga dios na iyong ginawa para sa iyo? magsibangon sila, kung sila'y makapagliligtas sa iyo sa panahon ng iyong kabagabagan: sapagka't ayon sa bilang ng iyong mga bayan ay gayon ang iyong mga dios, Oh Juda.
Jeremiah 10:15Sila'y walang kabuluhan, gawang karayaan: sa panahon ng pagdalaw sa mga yaon sila ay mangalilipol.
Hosea 4:15Bagaman ikaw, Oh Israel, ay nagpapatutot, gayon ma'y huwag ipagkasala ng Juda: at huwag kayong magsiparoon sa Gilgal, ni magsisampa man kayo sa Bethaven, ni magsisumpa man, Buhay ang Panginoon.
Hosea 8:11Sapagka't ang Ephraim, ay nagparami ng mga dambana upang magkasala, ang mga dambana ay naging sa kaniyang ipagkakasala.