Hosea 3:5
Pagkatapos ay manunumbalik ang mga anak ni Israel, at hahanapin ang Panginoon nilang Dios, at si David na kanilang hari, at magsisiparitong may takot sa Panginoon at sa kaniyang kabutihan sa mga huling araw.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
Numbers 24:14At ngayon, narito, ako'y paroroon sa aking bayan: parito ka nga, at aking ipahahayag sa iyo ang gagawin ng bayang ito sa iyong bayan sa mga huling araw.
1 Kings 12:16At nang makita ng buong Israel na hindi sila dininig ng hari, ay sumagot ang bayan sa hari, na nagsasabi, Anong bahagi mayroon kami kay David? at wala man kaming mana sa anak ni Isai: sa iyong mga tolda, Oh Israel: ngayon ikaw ang bahala ng iyong sariling sangbahayan, David. Sa gayo'y yumaon ang Israel sa kanikaniyang tolda.
Isaiah 2:2At mangyayari sa mga huling araw, na ang bundok ng bahay ng Panginoon ay matatatag sa taluktok ng mga bundok, at magiging mataas sa mga burol; at lahat ng bansa ay magsisiparoon doon.
Isaiah 55:3Inyong ikiling ang inyong tainga, at magsiparito kayo sa akin; kayo'y magsipakinig, at ang inyong kaluluwa ay mabubuhay: at ako'y makikipagtipan sa inyo ng walang hanggan, sa makatuwid baga'y ng tunay na mga kaawaan ni David.
Jeremiah 3:22Kayo'y manumbalik, kayong nagsisitalikod na mga anak, aking pagagalingin ang inyong mga pagtalikod. Narito, kami ay nagsiparito sa iyo; sapagka't ikaw ay Panginoon naming Dios.
Jeremiah 30:9Kundi kanilang paglilingkuran ang Panginoong kanilang Dios, at si David na kanilang hari, na aking ibabangon sa kanila.