Hosea 6:5
Kaya't aking pinutol sila sa pamamagitan ng mga propeta; aking pinatay sila ng mga salita ng aking bibig; at ang iyong mga kahatulan ay parang liwanag na lumalabas.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 18:25Malayo nawa sa iyo ang paggawa ng ganito, na ang banal ay iyong pataying kasama ng masama, anopa't ang banal ay mapara sa masama; malayo nawa ito sa iyo: di ba gagawa ng matuwid ang Hukom ng buong lupa?
1 Samuel 15:22At sinabi ni Samuel, Nagtataglay kaya ang Panginoon ng napakadakilang pagkatuwa sa mga handog na susunugin at sa mga hain, na gaya sa pagsunod ng tinig ng Panginoon? Narito, ang pagsunod ay maigi kay sa hain, at ang pagdinig kay sa taba ng mga tupang lalake.
1 Kings 17:1At si Elias na Thisbita, na sa mga nakikipamayan sa Galaad, ay nagsabi kay Achab: Buhay ang Panginoon, ang Dios ng Israel, na ako'y nakatayo sa harap niya hindi magkakaroon ng hamog o ulan man sa mga taong ito, kundi ayon sa aking salita.
1 Kings 19:17At mangyayari na ang makatanan sa tabak ni Hazael ay papatayin ni Jehu: at ang makatanan sa tabak ni Jehu ay papatayin ni Eliseo.
2 Chronicles 21:12At dumating ang isang sulat sa kaniya na mula kay Elias na propeta, na sinasabi, Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ni David na iyong ama, sapagka't hindi ka lumakad ng mga lakad ni Josaphat na iyong ama, o ng mga lakad man ni Asa na hari sa Juda:
Job 34:10Kaya't dinggin ninyo ako, ninyong mga lalaking may unawa: malayo nawa sa Dios na siya'y gumawa ng masama; at sa Makapangyarihan sa lahat, na siya'y magkamit ng kasamaan.