Hosea 8:10
Oo, bagaman sila'y umuupa sa gitna ng mga bansa, akin nga silang pipisanin ngayon; at sila'y mangagtitigil na kaunting panahon ng pagpapahid ng langis sa hari at mga prinsipe.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
2 Kings 15:19Naparoon laban sa lupain si Phul na hari sa Asiria; at binigyan ni Manahem si Phul ng isang libong talentong pilak, upang ang kamay niya'y sumakaniya, upang pagtibayin ang kaharian sa kaniyang kamay.
2 Kings 17:4At ang hari sa Asiria ay nakasumpong kay Oseas ng pagbabanta; sapagka't siya'y nagsugo ng mga sugo kay So na hari sa Egipto, at hindi naghandog ng kaloob sa hari sa Asiria, na gaya ng kaniyang ginagawa taontaon; kaya't kinulong siya ng hari sa Asiria, at ipinangaw siya sa bilangguan.
Isaiah 10:8Sapagka't kaniyang sinasabi, Hindi baga ang aking mga pangulo ay hari silang lahat?
Isaiah 36:13Nang magkagayo'y tumayo si Rabsaces, at humiyaw ng malakas na tinig sa wikang Judio, at nagsabi: Dinggin ninyo ang mga salita ng dakilang hari, ng hari sa Asiria.
Ezekiel 16:33Sila'y nagbibigay ng mga kaloob sa lahat ng mga patutot: nguni't ikaw ay nagbibigay ng iyong mga kaloob sa lahat na mangliligaw sa iyo, at iyong sinusuhulan sila, upang sila'y magsilapit sa iyo sa bawa't dako, dahil sa iyong mga pakikiapid.
Ezekiel 22:20Kung paanong kanilang pinipisan ang pilak at ang tanso at ang bakal at ang tingga at ang lata sa gitna ng hurno, upang hipan ng apoy, upang tunawin; gayon ko kayo pipisanin sa aking galit at sa aking kapusukan, at aking ilalapag kayo roon, at pupugnawin ko kayo.