Isaias 10:2
Upang iligaw sa kahatulan ang mapagkailangan, at upang alisin ang katuwiran ng dukha ng aking bayan, upang ang mga babaing bao ay maging kanilang samsam, at upang kanilang gawing kanilang huli ang mga ulila!
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
1Sa aba nila na nagpapasiya ng mga likong pasiya, at ng mga manunulat na sumusulat ng mga kasuwailan:
Cross References
Exodus 23:6Huwag mong sisirain ang kahatulan ng iyong dukha, sa kaniyang usap.
Psalms 94:6Kanilang pinapatay ang bao at ang taga ibang lupa, at pinapatay ang ulila.
Proverbs 30:14May lahi na ang mga ngipin ay parang mga tabak, at ang kanilang mga bagang ay parang mga sundang, upang lamunin ang dukha mula sa lupa, at ang mapagkailangan sa gitna ng mga tao.
Isaiah 1:23Ang iyong mga pangulo ay mapanghimagsik, at mga kasama ng mga tulisan; bawa't isa'y umiibig ng mga suhol, at naghahangad ng mga kabayaran: hindi nila hinahatulan ang ulila, o pinararating man sa kanila ang usap ng babaing bao.
Isaiah 5:7Sapagka't ang ubasan ng Panginoon ng mga hukbo ay ang sangbahayan ng Israel, at ang mga tao sa Juda ay ang kaniyang maligayang pananim: at siya'y naghihintay ng kahatulan, nguni't narito, kapighatian; ng katuwiran, nguni't narito, daing.
Isaiah 29:21Yaong nakapagkasala sa tao sa isang usapin, at naglalagay ng silo doon sa sumasaway sa pintuang-bayan, at nagliligaw sa ganap na tao sa pamamagitan ng walang kabuluhan.