Isaias 22:23
At aking ikakapit siya na parang pako sa isang matibay na dako; at siya'y magiging pinakaluklukan ng kaluwalhatian sa sangbahayan ng kaniyang magulang.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 45:9Magmadali kayo, at pumaroon kayo sa aking ama, at sabihin ninyo sa kaniya: Ganito ang sabi ng iyong anak na si Jose: Ginawa akong panginoon ng Dios sa buong Egipto: pumarito ka sa akin, huwag kang magluwat.
Ezra 9:8At ngayon sa sandaling panahon ay napakita ang biyaya na mula sa Panginoon naming Dios, upang iwan sa amin ang isang nalabi na nakatanan at upang bigyan kami ng isang pako sa kaniyang dakong banal, upang palinawin ng aming Dios ang aming mga mata, at bigyan kami ng kaunting kabuhayan sa aming pagkaalipin.
Esther 10:3Sapagka't si Mardocheo na Judio ay pangalawa ng haring Assuero, at dakila sa gitna ng mga Judio, at kinalulugdan ng karamihan ng kaniyang mga kapatid: na humahanap ng ikabubuti ng kaniyang bayan, at nagsasalita ng kapayapaan sa kaniyang buong lahi.
Ecclesiastes 12:11Ang mga salita ng pantas ay gaya ng mga tulis; at gaya ng mga pako na nakakapit na mabuti, ang mga salita ng mga pangulo ng mga kapulungan, na nabigay mula sa isang pastor.
Luke 22:29At kayo'y inihahalal kong isang kaharian, na gaya nga ng pagkahalal sa akin ng aking Ama,