Isaias 26:4
Magsitiwala kayo sa Panginoon magpakailan man: sapagka't nasa Panginoong Jehova ang walang hanggang bato.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
Trust ye in the LORD for ever: for in the LORD JEHOVAH is everlasting strength:
In Context
Cross References
Deuteronomy 32:15Nguni't tumaba si Jeshurun, at tumutol: Ikaw ay tumataba, ikaw ay lumalapad, ikaw ay naging makinis: Nang magkagayo'y kaniyang pinabayaan ang Dios na lumalang sa kaniya, At niwalang kabuluhan ang Bato na kaniyang kaligtasan.
1 Samuel 2:2Walang banal na gaya ng Panginoon; Sapagka't walang iba liban sa iyo, Ni may bato mang gaya ng aming Dios.
2 Chronicles 32:8Sumasakaniya ay isang kamay na laman; nguni't sumasaatin ay ang Panginoon nating Dios upang tulungan tayo, at ipakipaglaban ang ating mga pagbabaka, At ang bayan ay sumandal sa mga salita ni Ezechias na hari sa Juda.
Psalms 18:2Ang Panginoon ay aking malaking bato, at aking kuta, at aking tagapagligtas; aking Dios, aking malaking bato na sa kaniya'y manganganlong ako; aking kalasag, at siyang sungay ng aking kaligtasan, aking matayog na moog.
Psalms 55:22Ilagay mo ang iyong pasan sa Panginoon, at kaniyang aalalayan ka: hindi niya titiising makilos kailan man ang matuwid.
Psalms 62:9Tunay na walang kabuluhan ang mga taong may mababang kalagayan, at ang mga taong may mataas na kalagayan ay kabulaanan: sa mga timbangan ay sasampa sila; silang magkakasama ay lalong magaan kay sa walang kabuluhan.