Isaias 3:8
Sapagka't ang Jerusalem ay giba, at ang Juda ay bagsak: sapagka't ang kanilang dila at ang kanilang mga gawa ay laban sa Panginoon, upang mungkahiin ang mga mata niyang maluwalhati.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
2 Chronicles 28:5Kaya't ibinigay ng Panginoon niyang Dios siya sa kamay ng hari sa Siria; at sinaktan nila siya, at tumangay sa kaniya ng isang malaking karamihang bihag, at mga dinala sa Damasco. At siya nama'y nabigay sa kamay ng hari sa Israel na siyang sumakit sa kaniya ng malaking pagpatay.
2 Chronicles 33:6Kaniya rin namang pinaraan ang kaniyang mga anak sa apoy sa libis ng anak ni Hinnom: at siya'y nagpamahiin, at nagsanay ng panggagaway at nanghula, at nakipagsanggunian sa mga masamang espiritu, at sa mga mahiko: siya'y gumawa ng maraming kasamaan sa paningin ng Panginoon, upang mungkahiin niya siya sa galit.
2 Chronicles 36:17Kaya't dinala niya sa kanila ang hari ng mga Caldeo, na siyang pumatay sa kanilang mga binata sa pamamagitan ng tabak sa bahay ng kanilang santuario, at hindi nagkaroon ng habag sa binata, o sa dalaga, sa matanda o sa may uban: ibinigay niya silang lahat sa kaniyang kamay.
Proverbs 26:27Ang humuhukay ng lungaw ay mabubuwal doon: at siyang nagpapagulong ng bato, ay babalikan nito siya.
Isaiah 5:18Sa aba nila na nagsisihila ng kasamaan sa pamamagitan ng mga panali ng walang kabuluhan, at ng kasalanan na tila panali ng kariton:
Isaiah 57:4Laban kanino nakipagaglahian kayo? laban kanino nagluluwang kayo ng bibig, at naglalawit ng dila? hindi baga kayo mga anak ng pagsalangsang, lahing sinungaling,