Isaias 33:22
Sapagka't ang Panginoon ay ating hukom, ang Panginoon ay ating tagapaglagda ng kautusan, ang Panginoon ay ating hari; kaniyang ililigtas tayo.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
For the LORD is our judge, the LORD is our lawgiver, the LORD is our king; he will save us.
In Context
Cross References
Genesis 18:25Malayo nawa sa iyo ang paggawa ng ganito, na ang banal ay iyong pataying kasama ng masama, anopa't ang banal ay mapara sa masama; malayo nawa ito sa iyo: di ba gagawa ng matuwid ang Hukom ng buong lupa?
1 Samuel 12:12At nang makita ninyo na si Naas na hari ng mga anak ni Ammon ay naparito laban sa inyo, ay inyong sinabi sa akin, Hindi, kundi isang hari ang maghahari sa amin; dangang ang Panginoon ninyong Dios ay siya ninyong hari.
Psalms 44:4Ikaw ang aking Hari, Oh Dios: magutos ka ng kaligtasan sa Jacob.
Psalms 50:6At ipahahayag ng langit ang kaniyang katuwiran; sapagka't ang Dios ay siyang hukom. (Selah)
Psalms 75:7Kundi ang Dios ay siyang hukom: kaniyang ibinababa ang isa, at itinataas ang isa.
Psalms 98:9Sa harap ng Panginoon, sapagka't siya'y dumarating upang hatulan ang lupa: kaniyang hahatulan ng katuwiran ang sanglibutan, at ng karapatan ang mga bayan.