Isaias 38:17
Narito, sa aking ikapapayapa ay nagtamo ako ng malaking paghihirap: Nguni't ikaw, sa pagibig mo sa aking kaluluwa ay iyong iniligtas sa hukay ng kabulukan; Sapagka't iyong itinapon ang lahat ng aking mga kasalanan sa iyong likuran.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
Job 3:25Sapagka't ang bagay na aking kinatatakutan ay dumarating sa akin, at ang aking pinangingilabutan ay dumarating sa akin.
Psalms 10:2Sa kapalaluan ng masama ang dukha ay hinahabol na mainam; mahuli nawa sila sa mga lalang na kanilang inakala.
Psalms 30:6Tungkol sa akin, sinabi ko sa aking kaginhawahan: hindi ako makikilos kailan man.
Psalms 85:2Iyong pinatawad ang kasamaan ng iyong bayan, iyong tinakpan ang lahat nilang kasalanan, (Selah)
Psalms 88:4Ako'y nabilang sa kanila na nagsisibaba sa hukay; ako'y parang taong walang lakas:
Psalms 103:4Na siyang tumutubos ng iyong buhay sa pagkapahamak: na siyang nagpuputong sa iyo ng kagandahang-loob at malumanay na mga kaawaan: