Isaias 42:10
Magsiawit kayo sa Panginoon ng bagong awit, at ng kapurihan niya na mula sa wakas ng lupa; kayong nagsisibaba sa dagat, at ang buong nariyan, ang mga pulo, at mga nananahan doon,
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
1 Chronicles 16:32Umugong ang dagat at ang kapunuan niyaon; Matuwa ang parang at ang lahat na nandoon;
Psalms 40:3At siya'y naglagay ng bagong awit sa aking bibig, sa makatuwid baga'y pagpuri sa aming Dios: marami ang mangakakakita at mangatatakot, at magsisitiwala sa Panginoon.
Psalms 96:11Matuwa ang langit at magalak ang lupa; humugong ang dagat, at ang buong naroon;
Psalms 98:1Oh magsiawit kayo sa Panginoon ng bagong awit; sapagka't siya'y gumawa ng mga kagilagilalas na bagay: ang kaniyang kanan at ang kaniyang banal na bisig ay gumawa ng kaligtasan para sa kaniya:
Psalms 117:1Oh purihin ninyo ang Panginoon, ninyong lahat na mga bansa: purihin ninyo siya, ninyong lahat na mga bayan.
Psalms 150:6Purihin ng bawa't bagay na may hininga ang Panginoon. Purihin ninyo ang Panginoon.