Isaias 48:21
At sila'y hindi nangauhaw nang pinapatnubayan niya sila sa mga ilang; kaniyang pinaagos ang tubig mula sa bato para sa kanila; kaniyang ginuwangan din naman ang bato, at ang tubig ay bumukal.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
22Walang kapayapaan sa masama, sabi ng Panginoon.
Cross References
Numbers 20:11At itinaas ni Moises ang kaniyang kamay, at pinalong makalawa ang bato ng kaniyang tungkod: at ang tubig ay lumabas na sagana, at ang kapisanan ay uminom at ang kanilang mga hayop.
Nehemiah 9:20Iyo rin namang ibinigay ang iyong mabuting Espiritu upang turuan sila, at hindi mo inaalis ang iyong mana sa kanilang bibig, at bigyan mo sila ng tubig sa kanilang pagkauhaw.
Psalms 78:20Narito, kaniyang pinalo ang bato, na ang mga tubig ay bumubuluwak, at mga bukal ay nagsisiapaw; makapagbibigay ba siya ng tinapay naman? Ipaghahanda ba niya ng karne ang kaniyang bayan?
Isaiah 30:25At magkakaroon ng mga ilog at mga balon ng tubig sa lahat na mataas na bundok, at sa lahat na matayog na burol, sa araw ng malaking patayan, pagka ang mga moog ay nabubuwal.
Isaiah 41:17Ang dukha at mapagkailangan ay humahanap ng tubig, at wala, at ang kanilang dila ay natutuyo dahil sa uhaw; akong Panginoon ay sasagot sa kanila, akong Dios ng Israel ay hindi magpapabaya sa kanila.
Isaiah 43:20Pararangalan ako ng mga hayop sa parang, ng mga chakal at ng mga avestruz: sapagka't ako'y nagbibigay ng tubig sa lupaing masukal, at ng mga ilog sa ilang, upang painumin ang aking bayan, na aking pinili,