Isaias 50:4
Binigyan ako ng Panginoong Dios ng dila ng nangaturuan, upang aking maalaman kung paanong aaliwin ng mga salita siyang nanglulupaypay. Siya'y nagigising tuwing umaga, ginigising niya ang aking pakinig upang makinig na gaya ng mga natuturuan.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
3Aking binibihisan ng kaitiman ang langit at aking ginagawang kayong magaspang ang kaniyang takip.
Cross References
Exodus 4:11At sinabi sa kaniya ng Panginoon, Sinong gumawa ng bibig ng tao? o sinong gumawa ng pipi, o bingi, o may paningin, o bulag sa tao? Hindi ba akong Panginoon?
Deuteronomy 18:18Aking palilitawin sa kanila ang isang propeta sa gitna ng kanilang mga kapatid, na gaya mo; at aking ilalagay ang aking mga salita sa bibig niya, at kaniyang sasalitain sa kanila ang lahat ng aking iuutos sa kaniya.
Psalms 5:3Oh Panginoon, sa kinaumagaha'y didinggin mo ang aking tinig; sa kinaumagahan ay aayusin ko ang aking dalangin sa iyo, at magbabantay ako.
Psalms 45:2Ikaw ay maganda kay sa mga anak ng mga tao; biyaya ay nabubuhos sa iyong mga labi: kaya't pinagpala ka ng Dios magpakailan man.
Psalms 143:8Iparinig mo sa akin ang iyong kagandahang-loob sa kinaumagahan; sapagka't sa iyo ako tumitiwala: ipabatid mo sa akin ang daan na aking dapat lakaran; sapagka't itinaas ko ang aking kaluluwa sa iyo.
Proverbs 25:11Salitang sinalita sa kaukulan ay gaya ng mga mansanang ginto sa mga bilaong pilak.