Isaias 58:3
Ano't kami ay nangagayuno, sabi nila, at hindi mo nakikita? ano't aming pinagdalamhati ang aming kaluluwa, at hindi mo napapansin? Narito, sa kaarawan ng inyong pagaayuno ay masusumpungan ninyo ang inyong sariling kalayawan, at inyong hinihingi ang lahat ninyong gawa.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 2:23At nangyari pagkaraan ng maraming araw na ang hari sa Egipto ay namatay; at ang mga anak ni Israel ay nagbuntong hininga dahil sa pagkaalipin, at sila'y dumaing at ang kanilang daing ay umabot sa Dios dahil sa pagkaalipin.
Leviticus 16:31Sabbath nga na takdang kapahingahan sa inyo, at papagdadalamhatiin ninyo ang inyong mga kaluluwa; ito'y palatuntunang magpakailan man.
Numbers 23:4At sinalubong ng Dios si Balaam: at sinabi niya sa kaniya, Aking inihanda ang pitong dambana, at aking inihandog ang isang toro at ang isang tupang lalake sa bawa't dambana.
Job 34:9Sapagka't kaniyang sinabi, Walang napapakinabang ang tao na siya'y makapagpalugod sa Dios.
Proverbs 28:9Siyang naglalayo ng kaniyang pakinig sa pakikinig ng kautusan, maging ang kaniyang dalangin ay karumaldumal.
Isaiah 47:6Ako'y napoot sa aking bayan, aking dinumhan ang aking mana, at ibinigay ko sa iyong kamay: hindi mo pinagpakitaan sila ng kaawaan; sa may katandaan ay pinabigat mong mainam ang iyong atang.