Santiago 5:4
Narito, ang kaupahan ng mga manggagawa na nagsiani sa inyong mga bukid, na iniring ninyo sa pamamagitan ng daya, ay humihibik: at ang mga hibik ng mga nagsiani ay nagsipasok sa mga pakinig ng Panginoon ng mga hukbo.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 2:23At nangyari pagkaraan ng maraming araw na ang hari sa Egipto ay namatay; at ang mga anak ni Israel ay nagbuntong hininga dahil sa pagkaalipin, at sila'y dumaing at ang kanilang daing ay umabot sa Dios dahil sa pagkaalipin.
Exodus 22:22Huwag mong papagdadalamhatiin ang sinomang babaing bao, o ulila.
Leviticus 19:13Huwag kayong pipighati sa inyong kapuwa, o magnanakaw man sa kaniya: ang bayad ng isang mag-aaraw ay huwag matitira sa inyo ng buong gabi hanggang sa umaga.
Job 7:2Na gaya ng alipin na ninanasang mainam ang lilim, at gaya ng nagpapaupa na tumitingin sa kaniyang mga kaupahan:
Job 31:38Kung ang aking lupa ay humiyaw laban sa akin, at ang mga bungkal niyaon ay umiyak na magkakasama;
Psalms 9:12Sapagka't siyang nagsisiyasat ng dugo ay umaalaala sa kanila: hindi niya kinalilimutan ang daing ng dukha.