Jeremias 1:3
Dumating din nang kaarawan ni Joacim na anak ni Josias, hari sa Juda, nang katapusan nang ikalabing isang taon ni Sedechias, na anak ni Josias, hari sa Juda, hanggang sa pagkabihag ng Jerusalem nang ikalimang buwan.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
4Ang salita nga ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,
Cross References
2 Kings 24:1Nang kaniyang mga kaarawan ay umahon si Nabucodonosor na hari sa Babilonia, at si Joacim ay naging kaniyang alipin na tatlong taon: nang magkagayo'y bumalik siya at nanghimagsik laban sa kaniya.
1 Chronicles 3:15At ang mga anak ni Josias: ang panganay ay si Johanan, ang ikalawa'y si Joacim, ang ikatlo'y si Sedecias, ang ikaapat ay si Sallum.
2 Chronicles 36:11Si Zedecias ay may dalawang pu't isang taong gulang nang siya'y magpasimulang maghari; at siya'y nagharing labing isang taon sa Jerusalem:
Jeremiah 25:1Ang salita na dumating kay Jeremias tungkol sa buong bayan ng Juda nang ikaapat na taon ni Joacim na anak ni Josias, na hari sa Juda (siya ring unang taon ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia),
Jeremiah 28:1At nangyari, nang taon ding yaon sa pasimula ng paghahari ni Sedechias na hari sa Juda, sa ikaapat na taon, sa ikalimang buwan, na si Hananias na anak ni Azur na propeta, na taga Gabaon, ay nagsalita sa akin sa bahay ng Panginoon, sa harapan ng mga saserdote, at ng buong bayan, na nagsasabi,
Jeremiah 37:1At si Sedechias na anak ni Josias ay naghari na gaya ng hari, na humalili kay Conias na anak ni Joacim, na ginawang hari sa lupain ng Juda ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia.