Jeremias 1:7
Nguni't sinabi sa akin ng Panginoon, Huwag mong sabihin, Ako'y bata: sapagka't saan man kita susuguin ay paroroon ka, at anomang iutos ko sa iyo ay sasalitain mo.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
8Huwag kang matakot dahil sa kanila; sapagka't ako'y sumasaiyo upang iligtas kita, sabi ng Panginoon.
Cross References
Exodus 6:29Na sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi, Ako nga ang Panginoon; salitain mo kay Faraon na hari sa Egipto, ang lahat ng aking sinasalita sa iyo.
Numbers 22:20At ang Dios ay naparoon kay Balaam nang kinagabihan, at nagsabi sa kaniya, Kung ang mga taong iyan ay nagsiparito, upang tawagin ka ay bumangon ka, sumama ka sa kanila: nguni't ang salita lamang na aking sasalitain sa iyo, ay siya mong gagawin.
1 Kings 22:14At sinabi ni Micheas, Buhay ang Panginoon kung ano ang sabihin ng Panginoon sa akin, yaon ang aking sasalitain.
Jeremiah 1:17Ikaw nga'y magbigkis ng iyong mga balakang, at ikaw ay bumangon, at salitain mo sa kanila ang lahat na iniuutos ko sa iyo: huwag kang manglupaypay sa kanila, baka ikaw ay panglupaypayin ko sa harap nila.
Jeremiah 43:1At nangyari, na nang si Jeremias ay makatapos ng pagsasalita sa buong bayan ng lahat ng mga salita ng Panginoon nilang Dios, na ipinasugo sa kaniya ng Panginoon nilang Dios sa kanila, sa makatuwid ang lahat ng mga salitang ito;
Ezekiel 3:17Anak ng tao, ginawa kitang bantay sa sangbahayan ni Israel: kaya't pakinggan mo ang salita sa aking bibig, at ipanguna mo sa kanila sa ganang akin.