Jeremias 13:19
Ang mga bayan ng Timugan ay nasarhan, at walang mangagbukas: ang buong Juda ay nadalang bihag; buong nadalang bihag.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
Leviticus 26:31At gagawin kong giba ang inyong mga bayan, at gigibain ko ang inyong mga santuario, at hindi ko na sasamyuin ang amoy ng inyong mga may amoy na masarap.
Deuteronomy 28:52At kaniyang kukubkubin ka sa lahat ng iyong mga pintuang-daan, hanggang sa ang iyong mataas at nakababakod na kuta ay malagpak, na siyang iyong inaasahan, sa iyong buong lupain; at kaniyang kukubkubin ka sa lahat ng iyong mga pintuang-bayan sa iyong buong lupain, na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios.
Joshua 18:5At kanilang babahagihin ng pitong bahagi: ang Juda ay mananahan sa hangganan niyaon na dakong timugan, at ang sangbahayan ni Jose ay mananahan sa kanilang hangganan sa dakong hilagaan.
1 Chronicles 9:1Sa gayo'y ang buong Israel ay nabilang ayon sa mga talaan ng lahi; at, narito, sila'y nangasusulat sa aklat ng mga hari sa Israel. At ang Juda'y dinalang bihag sa Babilonia dahil sa kanilang pagsalangsang.
Jeremiah 17:26At sila'y manganggagaling sa mga bayan ng Juda, at sa mga palibot ng Jerusalem, at sa lupain ng Benjamin, at sa mababang lupain, at sa mga bundok, at sa Timugan, na magdadala ng mga handog na susunugin, at ng mga hain, at ng mga alay, at ng kamangyan, at mangagdadala ng mga hain na pasalamat sa bahay ng Panginoon.
Jeremiah 24:1Ang Panginoon ay nagpakita sa akin, at, narito, dalawang bakol na igos ay nakalagay sa harap ng templo ng Panginoon, pagkatapos na madalang bihag ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia si Jechonias na anak ni Joacim, hari sa Juda, at ang mga prinsipe sa Juda, na kasama ng mga manggagawa at ng mga mangbabakal, mula sa Jerusalem, at mangadala sila sa Babilonia.