Jeremias 2:19
Sasawayin ka ng iyong sariling kasamaan, at sasawayin ka ng iyong mga pagtalikod: talastasin mo nga at iyong tingnan na masamang bagay at kapanglawpanglaw, na iyong pinabayaan ang Panginoon mong Dios: at ang takot sa akin ay wala sa iyo, sabi ng Panginoon, ng Panginoon ng mga hukbo.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 33:6At ang mga anak ni Israel ay naghubad ng kanilang mga pahiyas mula sa bundok ng Horeb.
1 Kings 18:18At siya'y sumagot, Hindi ko binagabag ang Israel; kundi ikaw, at ang sangbahayan ng iyong ama, sa inyong pagkapabaya ng mga utos ng Panginoon, at ikaw ay sumunod kay Baal.
2 Chronicles 21:10Sa gayo'y nanghimagsik ang Edom na mula sa kapangyarihan ng Juda, hanggang sa araw na ito: nang magkagayo'y nanghimagsik ang Libna nang panahong yaon na mula sa kaniyang kapangyarihan: sapagka't kaniyang pinabayaan ang Panginoon, ang Dios ng kaniyang mga magulang.
Job 20:11Ang kaniyang mga buto ay puspos ng kaniyang kabataan, nguni't hihiga na kasama niya sa alabok.
Proverbs 1:31Kaya't sila'y magsisikain ng bunga ng kanilang sariling lakad, at mabubusog ng kanilang sariling mga kagagawan.
Isaiah 3:9Ang kanilang pagtatangi ng mga tao ay sumasaksi laban sa kanila; at kanilang ipinahahayag ang kanilang mga kasalanan na gaya ng Sodoma, hindi nila ikinukubli. Sa aba ng kanilang kaluluwa! sapagka't sila'y nagsiganti ng kasamaan sa kanilang sarili.