Jeremias 2:32
Malilimutan baga ng dalaga ang kaniyang mga hiyas, o ng kasintahang babae ang kaniyang kagayakan? gayon ma'y nilimot ako ng bayan ko sa mga araw na walang bilang.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 24:22At nangyari, nang makainom ang mga kamelyo, na kumuha ang lalake ng isang singsing na ginto, na may kalahating siklo sa timbang, at dalawang pulsera upang ilagay sa kaniyang mga kamay, na may timbang na sangpung siklong ginto;
Genesis 24:53At naglabas ang alilang katiwala ng mga hiyas na pilak at mga hiyas na ginto, at mga damit, at mga ibinigay kay Rebeca: nagbigay rin siya ng mga mahalagang bagay sa kaniyang kapatid na lalake at sa kaniyang ina.
Judges 8:34At hindi naalaala ng mga anak ni Israel ang Panginoon nilang Dios, na siyang nagpapaging laya sa kanila sa kamay ng lahat nilang mga kaaway sa buong palibot:
Psalms 9:17Ang masama ay mauuwi sa Sheol, pati ng lahat ng mga bansa na nagsisilimot sa Dios.
Psalms 106:21Nilimot nila ang Dios na kanilang tagapagligtas, na gumawa ng mga dakilang bagay sa Egipto;
Isaiah 61:10Ako'y magagalak na mainam sa Panginoon, ang aking kaluluwa ay magagalak sa aking Dios; sapagka't binihisan niya ako ng mga damit ng kaligtasan; kaniyang tinakpan ako ng balabal ng katuwiran, gaya ng kasintahang lalake na nagpuputong ng putong na bulaklak, at gaya ng kasintahang babae na naggagayak ng kaniyang mga hiyas.