Jeremias 26:13
Kaya't ngayo'y pabutihin ninyo ang inyong mga lakad at ang inyong mga gawa, at inyong talimahin ang tinig ng Panginoon ninyong Dios; at pagsisisihan ng Panginoon ang kasamaan na kaniyang sinalita laban sa inyo.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 32:14At pinagsisihan ng Panginoon ang kasamaan na kaniyang sinabing kaniyang gagawin sa kaniyang bayan.
Judges 2:18At nang ipagbangon sila ng Panginoon ng mga hukom, ang Panginoon ay suma hukom, at iniligtas sila sa kamay ng kanilang mga kaaway sa lahat ng mga araw ng hukom: sapagka't nagsisi ang Panginoon dahil sa kanilang daing, dahil doon sa mga pumighati sa kanila at nagpakalupit sa kanila.
Isaiah 55:7Lisanin ng masama ang kaniyang lakad, at ng liko ang kaniyang mga pagiisip; at manumbalik siya sa Panginoon, at kaaawaan niya siya; at sa aming Dios, sapagka't siya'y magpapatawad ng sagana.
Jeremiah 7:7Ay patatahanin ko nga kayo sa dakong ito, sa lupain na ibinigay ko sa inyong mga magulang mula ng una hanggang sa walang hanggan.
Jeremiah 26:3Marahil ay kanilang didinggin, at hihiwalay ang bawa't tao sa kanikaniyang masamang lakad; upang aking mapagsisihan ang kasamaan na aking pinanukalang gawin sa kanila dahil sa kasamaan ng kanilang mga gawa.
Jeremiah 35:15Akin din namang sinugo sa inyo ang lahat kong lingkod na mga propeta, na bumabangon akong maaga, at akin silang sinusugo, na aking sinasabi, Magsihiwalay kayo ngayon bawa't isa sa kanikaniyang masamang lakad, at pabutihin ninyo ang inyong mga gawain, at huwag kayong magsisunod sa mga ibang dios na mangaglingkod sa kanila, at kayo'y magsisitahan sa lupain na ibinigay ko sa inyo, at sa inyong mga magulang: nguni't hindi ninyo ikiniling ang inyong pakinig, o dininig man ninyo ako.