Jeremias 3:2
Imulat mo ang iyong mga mata sa mga luwal na kaitaasan, at tingnan mo; saan hindi ka nasipingan? Sa tabi ng mga lansangan ay naghintay ka sa kanila, gaya ng taga Arabia sa ilang; at iyong dinumhan ang lupain ng iyong mga pakikiapid at ng iyong kasamaan.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 38:14At siya'y nagalis ng suot pagkabao, at nagtakip ng kaniyang lambong, at pagkapagtakip ay naupo sa pasukan ng Enaim, na nasa daan ng Timnath; sapagka't kaniyang nakikita, na si Selah ay malaki na, at hindi pa siya ibinibigay na asawa.
1 Kings 11:3At siya'y nagkaroon ng pitong daang asawa, na mga prinsesa, at tatlong daang babae: at iniligaw ng kaniyang mga asawa ang kaniyang puso.
Proverbs 7:11Siya'y madaldal at matigas ang ulo; ang kaniyang mga paa ay hindi nagsisitahan sa kaniyang bahay:
Jeremiah 2:7At dinala ko kayo sa saganang lupain, upang kumain ng bunga niyaon at ng kabutihan niyaon; nguni't nang kayo'y pumasok ay inyong hinawahan ang aking lupain, at ginawa ninyong kasuklamsuklam ang aking mana.
Jeremiah 2:23Paanong masasabi mo, Hindi ako nagpakahawa, hindi ako yumaong sumunod sa mga Baal? tingnan mo ang iyong daan sa libis, talastasin mo kung ano ang iyong ginawa: ikaw na maliksing dromedario na dumadamba sa paglakad;
Jeremiah 3:9At nangyari, sa walang kabuluhan niyang pagsamba sa diosdiosan, na ang lupain ay nadumhan, at siya'y sumamba sa pamamagitan ng mga bato at ng mga kahoy.