Jeremias 3:25
Tayo'y magsihiga sa ating kahihiyan, at takpan tayo ng ating kalituhan: sapagka't tayo'y nangagkasala laban sa Panginoon nating Dios, tayo at ang ating mga magulang, mula sa ating kabataan hanggang sa araw na ito; at hindi tayo nakinig sa tinig ng Panginoon nating Dios.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
Judges 2:2At huwag kayong makikipagtipan sa mga taga lupaing ito; inyong iwawasak ang kanilang mga dambana. Nguni't hindi ninyo dininig ang aking tinig: bakit ginawa ninyo ito?
Ezra 9:7Mula ng mga kaarawan ng aming mga magulang ay naging totoong salarin kami hanggang sa araw na ito; at dahil sa aming mga kasamaan, kami, ang aming mga hari, at ang aming mga saserdote ay nangabigay sa kamay ng mga hari ng mga lupain, sa tabak, sa pagkabihag, sa pagkasamsam, at sa kahihiyan ng mukha, gaya sa araw na ito.
Psalms 106:7Hindi naunawa ng aming mga magulang ang iyong mga kababalaghan sa Egipto; hindi nila inalaala ang karamihan ng iyong mga kagandahang-loob, kundi naging mapanghimagsik sa dagat, sa makatuwid baga'y sa Dagat na Mapula.
Proverbs 5:13Ni hindi ko man sinunod ang tinig ng aking mga tagapagturo, O ikiling ko man ang aking pakinig sa kanila na mga nagturo sa akin!
Isaiah 48:8Oo, hindi mo narinig; oo, hindi mo naalaman; oo, mula nang una ay hindi nabuksan ang iyong pakinig: sapagka't talastas ko na ikaw ay gumawa na totoong may kataksilan, at tinawag na mananalangsang mula sa bahay-bata.
Jeremiah 2:2Ikaw ay yumaon, at humiyaw sa mga pakinig ng Jerusalem, na iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoon, Inaalaala ko sa ikabubuti mo ang kagandahang-loob ng iyong kabataan, ang pagibig sa iyong mga pagaasawa; kung paanong ikaw ay sumunod sa akin sa ilang, sa lupain na hindi hinasikan.