Jeremias 31:6
Sapagka't magkakaroon ng araw, na ang mga bantay sa mga burol ng Ephraim ay magsisihiyaw. Kayo'y magsibangon, at tayo'y magsisampa sa Sion na pumaroon sa Panginoon nating Dios.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
2 Chronicles 13:4At si Abias ay tumayo sa bundok ng Semaraim, na nasa lupaing maburol ng Ephraim, at nagsabi, Dinggin ninyo ako, Oh Jeroboam at buong Israel;
Ezra 1:5Nang magkagayo'y nagsibangon ang mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang ng Juda at Benjamin, at ang mga saserdote, at ang mga Levita, sa makatuwid baga'y lahat na ang diwa'y kinilos ng Dios na magsiahong itayo ang bahay ng Panginoon na nasa Jerusalem.
Isaiah 2:2At mangyayari sa mga huling araw, na ang bundok ng bahay ng Panginoon ay matatatag sa taluktok ng mga bundok, at magiging mataas sa mga burol; at lahat ng bansa ay magsisiparoon doon.
Isaiah 27:13At mangyayari sa araw na yaon, na ang malaking pakakak ay hihipan; at silang nangapapahamak sa lupain ng Asiria ay magsisiparito, at silang mga tapon sa lupain ng Egipto; at sila'y magsisisamba sa Panginoon sa banal na bundok ng Jerusalem.
Isaiah 52:7Anong pagkaganda sa mga bundok ng mga paa niyaong nagdadala ng mga mabuting balita, na naghahayag ng kapayapaan, na nangagdadala ng mga mabuting balita sa ikabubuti, na nagtatanyag ng kaligtasan, na nagsasabi sa Sion, Ang iyong Dios ay naghahari!
Jeremiah 6:17At ako'y naglagay ng mga bantay sa inyo, na aking sinasabi, Inyong pakinggan ang tunog ng pakakak, nguni't kanilang sinabi, Hindi kami makikinig.