Jeremias 32:21
At iyong inilabas ang iyong bayang Israel sa lupain ng Egipto sa pamamagitan ng mga tanda at ng mga kababalaghan, at ng malakas na kamay, at ng unat na kamay, at ng malaking kakilabutan,
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 6:1At sinabi ng Panginoon kay Moises, Ngayo'y iyong makikita kung ano ang gagawin ko kay Faraon, sapagka't sa pamamagitan ng isang malakas na kamay ay payayaunin niya sila, at sa pamamagitan ng isang malakas na kamay ay palalayasin niya sila sa kaniyang lupain.
Exodus 13:9At sa iyo'y magiging pinakatanda sa ibabaw ng iyong kamay, at pinakaalaala sa pagitan ng iyong mga mata, upang ang kautusan ng Panginoon ay sumaiyong bibig: sapagka't sa pamamagitan ng malakas na kamay, ay inalis ka ng Panginoon sa Egipto.
Deuteronomy 4:34O may Dios kaya na nagsikap na yumaon at sumakop ng isang bansa sa gitna ng ibang bansa, sa pamamagitan ng mga tukso, ng mga tanda, at ng mga kababalaghan, at ng pagbabaka, at ng makapangyarihang kamay, at ng unat na bisig, at ng mga malaking kakilabutan ayon sa lahat na ginawa ng Panginoon mong Dios sa iyo sa Egipto, sa harap ng iyong mga mata?
Deuteronomy 26:8At inilabas kami ng Panginoon sa Egipto ng kamay na makapangyarihan, at ng unat na bisig, at ng malaking kakilabutan, at ng mga tanda, at ng mga kababalaghan:
1 Kings 8:42(Sapagka't kanilang mababalitaan ang iyong dakilang pangalan, at ang iyong makapangyarihang kamay, at ang iyong unat na bisig:) pagka siya'y paririto at dadalangin sa dako ng bahay na ito;
Psalms 89:8Oh Panginoong Dios ng mga hukbo, sino ang makapangyarihang gaya mo, Oh JAH? At ang pagtatapat mo'y nasa palibot mo.