Jeremias 34:5
Ikaw ay mamamatay sa kapayapaan; at ayon sa pagsusunog ng kamangyan ng iyong mga magulang na mga unang hari na una sa iyo, gayon sila magsusunog para sa iyo; at kanilang tataghuyan ka, na magsasabi, Ah Panginoon! sapagka't aking sinalita ang salita, sabi ng Panginoon.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
1 Samuel 31:12Lahat ng matapang na lalake ay bumangon at nagsilakad sa buong gabi at kinuha ang bangkay ni Saul at ang mga bangkay ng kaniyang mga anak sa kuta ng Beth-san; at sila'y naparoon sa Jabes, at kanilang pinagsunog doon.
2 Chronicles 16:14At inilibing nila siya sa kaniyang sariling mga libingan, na kaniyang ipinahukay para sa kaniya sa bayan ni David, at inihiga siya sa higaan na pinunu ng mga masarap na amoy at sarisaring espesia na inihanda ng manggagawa ng mga pabango; at ipinagsunog nila niyaon ng di kawasa.
2 Chronicles 34:28Narito, ipipisan kita sa iyong mga magulang, at ikaw ay mapipisan na payapa sa iyong libingan, at hindi makikita ng iyong mga mata ang lahat na kasamaan na aking dadalhin sa dakong ito, at sa mga tagarito. At sila'y nagbalik ng salita sa hari.
Lamentations 4:20Ang hinga ng aming mga butas ng ilong, ang pinahiran ng Panginoon ay nahuli sa kanilang mga hukay; na siya naming pinagsasabihan, sa kaniyang mga lilim ay mabubuhay kami sa mga bansa.
Daniel 2:46Nang magkagayo'y ang haring Nabucodonosor ay nagpatirapa, at sumamba kay Daniel, at nagutos na sila'y maghandog ng alay at ng may masarap na amoy sa kaniya.