Jeremias 35:6
Nguni't kanilang sinabi, Kami ay hindi magsisiinom ng alak; sapagka't si Jonadab na anak ni Rechab na aming magulang ay nagutos sa amin, na nagsasabi, Huwag kayong magsisiinom ng alak, maging kayo, o ang inyong mga anak man, magpakailan man:
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 25:27At nagsilaki ang mga bata; at si Esau ay naging maliksi sa pangangaso, lalake sa parang; at si Jacob ay lalaking tahimik, na tumatahan sa mga tolda.
Exodus 20:12Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina: upang ang iyong mga araw ay tumagal sa ibabaw ng lupa na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios.
Leviticus 23:42Kayo'y tatahan sa mga balag na pitong araw; yaong lahat ng tubo sa Israel ay tatahan sa mga balag:
Judges 13:7Nguni't sinabi niya sa akin, Narito, ikaw ay maglilihi, at manganganak ng isang lalake; at ngayo'y huwag kang uminom ng alak o ng inuming nakalalasing man, at huwag kang kumain ng anomang maruming bagay: sapagka't ang bata'y magiging Nazareo sa Dios mula sa tiyan hanggang sa araw ng kaniyang kamatayan.
2 Kings 10:15At nang siya'y makayaon mula roon, kaniyang nasumpungan si Jonadab na anak ni Rechab na sumasalubong sa kaniya: at kaniyang binati siya, at nagsabi sa kaniya, Ang iyo bang puso ay tapat, na gaya ng aking puso sa iyong puso? At sumagot si Jonadab, Tapat. Kung gayon, iabot mo sa akin ang iyong kamay. At iniabot niya sa kaniya ang kaniyang kamay; at isinampa niya siya sa loob ng karo.
1 Chronicles 2:55At ang mga angkan ng mga kalihim na nagsisitahan sa Jabes: ang mga Thiratheo, ang mga Simatheo, at ang mga Sucatheo. Ito ang mga Cineo, na nagsipagmula kay Hamath, na ama ng sangbahayan ni Rechab.