Jeremias 36:21
Sa gayo'y sinugo ng hari si Jehudi upang kunin ang balumbon; at kaniyang kinuha sa silid ni Elisama na kalihim. At binasa ni Jehudi sa mga pakinig ng hari, at sa mga pakinig ng lahat na prinsipe na nangakatayo sa tabi ng hari.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
2 Chronicles 34:18At sinaysay ni Saphan na kalihim sa hari, na sinasabi, Si Hilcias na saserdote ay nagbigay sa akin ng isang aklat. At binasa ni Saphan sa harap ng hari.
Jeremiah 26:2Ganito ang sabi ng Panginoon, Tumayo ka sa looban ng bahay ng Panginoon at salitain mo sa lahat ng bayan ng Juda, na nagsisiparoon upang magsisamba sa bahay ng Panginoon, ang lahat na salita na iniutos ko sa iyo upang salitain sa kanila; huwag kang magbawas ng kahit isang salita.
Ezekiel 2:4At ang mga anak ay walang galang at mapagmatigas na loob; sinusugo kita sa kanila: at iyong sasabihin sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios.