Jeremias 37:13
At nang siya'y nasa pintuang-bayan ng Benjamin, isang kapitan ng bantay ay nandoon na ang pangalan ay Irias, na anak ni Selemias, na anak ni Hananias; at kaniyang dinakip si Jeremias, na propeta, na sinasabi, Ikaw ay kumakampi sa mga Caldeo.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
Jeremiah 18:18Nang magkagayo'y sinabi nila, Kayo'y magsiparito, at tayo'y magsikatha ng mga katha-katha laban kay Jeremias; sapagka't ang kautusan ay hindi mawawala sa saserdote, o ang payo man sa pantas, o ang salita man sa propeta. Kayo'y magsiparito, at ating saktan siya ng dila, at huwag nating pansinin ang kaniyang mga salita.
Jeremiah 21:9Ang tumatahan sa bayang ito ay mamamatay sa pamamagitan ng kagutom, at sa pamamagitan ng tabak at sa pamamagitan ng salot; nguni't ang lumalabas at kumakampi sa mga Caldeo na kumukubkob sa inyo, siya'y mabubuhay, at ang kaniyang buhay ay magiging sa kaniya'y pinakahuli.
Jeremiah 27:12At ako'y nagsalita kay Sedechias na hari sa Juda ayon sa lahat ng mga salitang ito na aking sinabi, Inyong iyukod ang inyong ulo sa pamatok ng hari sa Babilonia, at mangaglilingkod kayo sa kaniya at sa kaniyang bayan, at kayo'y mangabuhay:
Jeremiah 36:12Siya'y bumaba sa bahay ng hari, sa loob ng silid ng kalihim: at, narito, lahat ng prinsipe ay nangakaupo roon, si Elisama na kalihim, at si Delaias na anak ni Semeias, at si Elnathan na anak ni Achbor, at si Gemarias na anak ni Saphan, at si Sedechias na anak ni Ananias, at ang lahat na prinsipe.
Jeremiah 38:4Nang magkagayo'y sinabi ng mga prinsipe sa hari, Isinasamo namin sa iyo na ipapatay ang lalaking ito; yamang kaniyang pinahina ang mga kamay ng mga lalaking mangdidigma na nalalabi sa bayang ito, at ang mga kamay ng buong bayan, sa pagsasalita ng kaniyang mga salita sa kanila: sapagka't hindi hinahanap ng lalaking ito ang ikabubuti ng bayang ito, kundi ang ikapapahamak.
Jeremiah 38:10Nang magkagayo'y nagutos ang hari kay Ebed-melec na taga Etiopia, na nagsasabi, Magsama ka mula rito ng tatlong pung lalake, at isampa mo si Jeremias na propeta mula sa hukay, bago siya mamatay.