Jeremias 47:4
Dahil sa araw na dumarating upang lipulin ang lahat ng Filisteo, upang ihiwalay sa Tiro at Sidon, ang bawa't manunulongan na nalabi: sapagka't lilipulin ng Panginoon ang mga Filisteo, ang nalabi sa pulo ng Caphtor.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 10:13At naging anak ni Mizraim si Ludim, at si Anamim, at si Lehabim, at si Naphtuhim.
Deuteronomy 2:23At ang mga Heveo na nangagsitahan sa mga nayon hanggang sa Gaza, ay nilipol ng mga Caftoreo na nangagmula sa Caftor, at tumahang kahalili nila.)
1 Chronicles 1:12At si Phetrusim, at si Chasluim (na pinanggalingan ng mga Filisteo), at si Caphtorim.
Psalms 37:13Tatawanan siya ng Panginoon: sapagka't kaniyang nakikita na ang kaniyang kaarawan ay dumarating.
Isaiah 20:6At ang nananahan sa baybaying ito ay mangagsasabi sa araw na yaon, Narito, gayon na lamang ang aming pagasa, na aming tinakasan na hiningan ng tulong upang makalaya sa hari sa Asiria: at kami paanong makatatanan?
Isaiah 31:8Kung magkagayo'y mabubuwal ang taga Asiria sa pamamagitan ng tabak, na hindi sa tao: at ang tabak, na hindi sa mga tao, lalamon sa kaniya: at kaniyang tatakasan ang tabak, at ang kaniyang mga binata ay magiging mamumuwis.