Jeremias 49:5
Narito, sisidlan kita ng takot, sabi ng Panginoon, ng Panginoon ng mga hukbo, mula sa lahat na nangasa buong palibot mo; at kayo'y mangatataboy bawa't isa na patuloy, at walang magiipon sa kanila na nagsisitakas.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
Joshua 2:9At sinabi niya sa mga lalake, Talastas ko na ibinigay sa inyo ng Panginoon ang lupain, at dinatnan kami ng pangingilabot sa inyo at ang lahat na nananahan sa lupain ay nauupos sa harap ninyo.
2 Kings 19:7Narito, ako'y maglalagay ng isang espiritu sa kaniya, at siya'y makakarinig ng kaingay, at babalik sa kaniyang sariling lupain; at aking ipabubuwal siya sa pamamagitan ng tabak sa kaniyang sariling lupain.
Proverbs 28:1Ang masama ay tumatakas ng walang taong humahabol: nguni't ang matuwid ay matapang na parang leon.
Jeremiah 6:25Huwag kang lumabas sa parang, o lumakad man sa daan; sapagka't may tabak ng kaaway, at kakilabutan sa bawa't dako.
Jeremiah 20:4Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, gagawin kitang kakilabutan sa iyong sarili, at sa lahat mong mga kaibigan; at sila'y mangabubuwal sa pamamagitan ng tabak ng kanilang mga kaaway, at mamamasdan ng iyong mga mata: at ibibigay ko ang buong Juda sa kamay ng hari sa Babilonia, at kaniyang dadalhin sila na bihag sa Babilonia, at papatayin sila ng tabak.
Jeremiah 48:41Ang Cherioth ay nasakop, at ang mga katibayan ay nasamsam, at ang puso ng mga makapangyarihang tao ng Moab sa araw na yaon ay magiging parang puso ng babae sa kaniyang pagdaramdam.